Malacañan dumistansya sa P1M pabuya ng CCW sa apat na mambabatas
Dumistansya ang Palasyo ng Malacañan sa isang milyong pisong pabuya ng Citizens Crime Watch (CCW) sa pangunguna ni Atty. Ferdinand Topacio para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng apat na dating mambababatas na nahaharap sa kasong murder.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, private initiave ang ginawa ng CCW at nasa korte na ang kapalaran nina National Anti-Poverty Commission lead convenor Liza Maza at dating representatives Rafael Mariano, Satur Ocampo, at Teddy Casiño.
Umaasa aniya ang Palasyo na magiging patas ang korte at bibilisan ang paglilitis sa apat.
Sina Maza at tatlong iba pa ay nahaharap sa warrant of arrest dahil sa pagpatay sa dalawang aktibista sa Nueva Ecija may ilang taon na ang nakararaan.
Sinabi pa ni Roque na sa kabila ng warrant of arrest, nanatiling pinuno si maza ng NAPC.
Wala pa naman aniyang utos si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa puwesto si Maza sa gabinete.
“National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza remains a member of the Cabinet unless there is a directive from the President stating otherwise. On the P1 million reward offered, that is a private initiative. As far as we are concerned, all aspects of this case are in the hands of the court and we look forward to an impartial and expeditious trial,” ayon kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.