Hawak ngayon ng Thailand immigration ang nasa 97 mga Myanmar migrant workers dahil sa kanilang mga hawak na pekeng visa.
Ayon kay Thai Labor Attache San Maung Oo, nagsagawa ng checking ang mga otoridad sa mga migrant workers mula Myanmar.
Ipinakita ng mga ito ang one-year non-immigration visa kung saan matapos ang validity nito ay mayroon pa silang karagdagang 90 araw na maaaring manatili sa bansa. At makalipas ang 90 araw ay kailangan nilang mag-report sa pamahalaan ng Thailand.
Ngunit nang berepikahin ang mga hawak na visa ng mga migrant workers ay napag-alamang peke pala ang mga ito.
Ayon sa labor attache, nag-tutulungan na ang dalawang mga bansa upang malaman kung sino ang gumagawa at nagpapalaganap ng mga pekeng visa.
Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, madalas nahuhuli ang mga may pekeng visa sa border ng Thailand at Myanmar.
July 1 pa nang magsimula ang pamahalaan ng Thailand na hanapin ang mga illegal foreign migrant workers at marami sa kanilang mga nahuhuli ay mula Myanmar.
Mahaharap ang sinumang maaresto dahil sa pekeng visa sa anim na buwang pagkakakulong.