Suspek sa sextortion arestado sa Rizal

By Justinne Punsalang August 05, 2018 - 04:19 PM

Arestado ang isang lalaki na suspek sa pangingikil ng pera sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Nakilala ang suspek na si Albert Escovilla, 39 na taong gulang na residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Chief Superintendent Joselito Esquivel, dumulog sa himpilan ng QCPD – Anti-Cybercrime Team (ACT) ang dating kinakasama ni Escovilla matapos itong pagbantaang ipakakalat sa social media ang kanilang sex video kung hindi na ito papayag na makipagtalik muli sa kanya.

Hinack pa ni Escovilla ang Facebook account ng biktima at ginamit ito upang ikalat ang naturang malaswang video. Maging sa mga kamag-anak ng babaeng biktima ay ipinadala ng suspek ang video.

Ngunit hindi pa tumigil dito si Escovilla at hiningan pa ng P1,500 ang biktima.

Sa pakikipagtulungan ng QCPD-ACT sa Cainta Municipal Police ay nagsagawa ang mga otoridad ng entrapment operation laban sa suspek.

Mahaharap si Escovilla sa patung-patong na kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Prevention Act of 2012, RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2012.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.