Pambato ng Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Grand International 2015
Nanalo ang pambato ng Pilipinas bilang 3rd runner-up sa Miss Grand International 2015 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Maliban sa 3rd runner-up title, nakuha din ni Parul Shah ang Best in National Costume award sa nasabing pageant na nilahukan ng mahigit isang daang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang ina ni Shah ay isang Pinay at Indian naman ang kaniyang ama.
Ang pambato ng Dominican Republic ang nakakuha ng Miss Grand International 2015 title, habang 1st runner-up naman ang pambato ng Australia, 2nd runner-up si Miss India at 4th runner-up si Miss Thailand.
Sa tanong na ‘sino ang pinaka-maimpluwensyang tao sa buhay mo,” sinabi ni Shah na ito ay ang kanyang ama. Ayon kay Shah, ang kaniyang ina ay isang Filipina Christian at ang ama ay isang Indian at Hindu.Ipinaliwanag ni Shah na sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at pinagmulang bansa, napanatili nila ang kapayapaan sa pamilya dahil sa unawaan. Ang kaniyang ama umano ang nagturo sa kaniya na sa pagiging mapagpakumbaba at pagiging marespeto, ay makakamit ang kapayapaan.
Dahil sa pagkapanalo ng 3rd runner-up, napanatili ng Pilipinas ang pagkakaroon ng ‘good placement’ ng Pilipinas sa mga beauty pageant ngayong taon.
Kamakailan lamang ay naiuwi ni Ann Colis ang Miss Globe 2015 title na ginanap sa Canada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.