Kris Aquino isang prinsesa sa ‘Crazy Rich Asians’

Kris Aquino Instagram

Isiniwalat na ang karakter na ginampanan ni Kris Aquino para sa Hollywood film na ‘Crazy Rich Asians’ bagaman hindi pa ito naipapalabas sa mga sinehan.

Sa article ng Teen Vogue ay ipinakilala doon ang mga aktor at kanilang mga ginampanang karakter sa naturang pelikula.

Batay sa article ng nasabing US magazine, ang karakter ng Queen of All Media ay isang Malay royalty na si Princess Intan na mayroong snobbish o mataray na personalidad.

Nakasaad pa sa article na hindi gustong makipag-usap ng karakter ni Kris sa kahit na sinuman.

Maging sa kanyang personal Instagram account ay ibinahagi ni Kris ang character reveal.

Sinasabing ang ibig sabihin ng pangalang Intan sa Malay at Indonesin ay diamond.

Sa ngayon ay nasa Los Angeles, California si Kris para sa red carpet Hollywood premiere ng ‘Crazy Rich Asians’ bagaman ayon sa kanya nasa bahay lang siya dahil sa pamamantal ng kanyang mga braso dala ng matinding init sa lugar.

Read more...