Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Eastern Samar, Linggo ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 68 kilometers East ng Guiuan dakong 1:04 ng hapon.
May lalim ang lindol na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.