Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Topacio na sasamahan niya si Teo sa Senate hearing kapag hiniling ng dating kalihim.
Kasabay nito, sinabi ni Topacio na bahala na si Tulfo kung isasauli o hindi ang P60 milyon sa DOT.
Konsensya at batas na aniya ang bahala kay Tulfo matapos mangako na ibabalik ang pera subalit kalaunan ay nagpasya na hindi na ituloy.
Kasabay nito, sinagot na rin ni Topacio ang hamon ni Presidential spokesman Harry Roque na pangalanan ang dalawang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nakinabang din sa P60 milyong kontrata.
Ayon kay Topacio, mas makabubuting ituon ni Roque ang kanyang hamon kay Tulfo dahil ang brodkaster ang nagsabi na mayroong dalawang PCOO official ang nakinabang din sa kontrata.