Teo, dadalo sa Senate hearing ukol sa P60M-DOT ad contract – Topacio
Tiniyak ni Atty. Ferdinand Topacio na dadalo sa Senate hearing ang kanyang kliyenteng si dating Tourism Secretary Wanda Teo kapag ipina-subpoena kaugnay sa P60 milyong advertisement contract na pinasok ng kanyang tanggapan sa Bitag media na pag-aari ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Topacio na sasamahan niya si Teo sa Senate hearing kapag hiniling ng dating kalihim.
Kasabay nito, sinabi ni Topacio na bahala na si Tulfo kung isasauli o hindi ang P60 milyon sa DOT.
Konsensya at batas na aniya ang bahala kay Tulfo matapos mangako na ibabalik ang pera subalit kalaunan ay nagpasya na hindi na ituloy.
Kasabay nito, sinagot na rin ni Topacio ang hamon ni Presidential spokesman Harry Roque na pangalanan ang dalawang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nakinabang din sa P60 milyong kontrata.
Ayon kay Topacio, mas makabubuting ituon ni Roque ang kanyang hamon kay Tulfo dahil ang brodkaster ang nagsabi na mayroong dalawang PCOO official ang nakinabang din sa kontrata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.