Nakibahagi sa sabayang pagpapasuso o Hakab Na 2018, sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ang Hakab Na ay kaugnay sa selebrasyon ng National Breastfeeding Awareness month ngayong Agosto.
Ang grupong “Breastfeeding Pinays” ang nag-organisa ng pagtitipon, na layong mapalakas ang kaalaman hinggil sa mga benepisyo ng pagpapasuso, hindi lamang sa mga ina kundi sa kalusugan at ekonomiya.
Nais din ng grupo na magkaroon ng “breastfeeding nation” sa ating bansa.
Hinihimok din ng Breastfeeding Pinays ang mga ina na huwag mahiyang magpasuso.
Noong 2017, nasa 4,775 na mom-and-baby pairs ang naging parte ng Hakab na sa Araneta Coliseum.
Ngayong taon, nauna nang nagsagawa ng Hakab na sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa SMX Convention Center, kanya-kanyang pakulo ang mga ina kasama ang kanilang mga anak para sa Hakab na event.
May grupo ng mga ina at kanilang mga sanggol na naka-costume pa ng mala-super hero; may mga naka-koronang mala-Wonder Woman. ang iba naman, galing pang mga probinsya at sa abroad, na dumayo pa sa maynila upang makibahagi sa sabayang pagpapasuso.
Grupo ng mga nanay, kasama ang kanilang mga anak, naka-costume pa para sa #HakabNa2018. @dzIQ990 pic.twitter.com/U8BjMBlhRn
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) August 5, 2018
Agaw-atensyon naman ang isang banner kung saan nakasulat na flat man daw ang kanyang suso, ang gatas naman daw noon ay nag-uumapaw sa nutrisyon at may hashtag na #flatbutabundant.
Mahigit sa 2000 mom-and-baby pairs, nakibahagi sa #HakabNa2018. @dzIQ990 pic.twitter.com/b5jTjWVa1r
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) August 5, 2018
@DOHgovph, hinihimok ang publiko lalo na ang mga nanay sa i-report ang anumang paglabag sa Milk Code. @dzIQ990 #HakabNa2018 pic.twitter.com/YPoUz5oJ8Y
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) August 5, 2018
WATCH: Dagsa na ang mga participant sa #HakabNa2018 sa SMX Convention Center sa Pasay City. @dzIQ990 pic.twitter.com/MGmjVfhdjy
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) August 5, 2018