LOOK: Hakab Na 2018, isinagawa sa Pasay

By Isa Avendaño-Umali August 05, 2018 - 11:33 AM

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Nakibahagi sa sabayang pagpapasuso o Hakab Na 2018, sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ang Hakab Na ay kaugnay sa selebrasyon ng National Breastfeeding Awareness month ngayong Agosto.

Ang grupong “Breastfeeding Pinays” ang nag-organisa ng pagtitipon, na layong mapalakas ang kaalaman hinggil sa mga benepisyo ng pagpapasuso, hindi lamang sa mga ina kundi sa kalusugan at ekonomiya.

Nais din ng grupo na magkaroon ng “breastfeeding nation” sa ating bansa.

Hinihimok din ng Breastfeeding Pinays ang mga ina na huwag mahiyang magpasuso.

Noong 2017, nasa 4,775 na mom-and-baby pairs ang naging parte ng Hakab na sa Araneta Coliseum.

Ngayong taon, nauna nang nagsagawa ng Hakab na sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa SMX Convention Center, kanya-kanyang pakulo ang mga ina kasama ang kanilang mga anak para sa Hakab na event.

May grupo ng mga ina at kanilang mga sanggol na naka-costume pa ng mala-super hero; may mga naka-koronang mala-Wonder Woman. ang iba naman, galing pang mga probinsya at sa abroad, na dumayo pa sa maynila upang makibahagi sa sabayang pagpapasuso.

Agaw-atensyon naman ang isang banner kung saan nakasulat na flat man daw ang kanyang suso, ang gatas naman daw noon ay nag-uumapaw sa nutrisyon at may hashtag na #flatbutabundant.

TAGS: breastfeeding, Hakab Na 2018, breastfeeding, Hakab Na 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.