Steven Seagal, itinalaga bilang special humanitarian envoy ng Russia
Itinalaga ng Russian government si action movie star Steven Seagal bilang special envoy para humanitarian ties sa Amerika.
Gamit ang kanilang Facebook page, inanunsyo ng Foreign Ministry ang naturang hakbang kasama si Seagal.
Pasisinayaan aniya ni Seagal ang relasyon ng Russia at Amerika pagdating sa humanitarian field kabilang ang kooperasyon sa kultura, arts at public and youth exchange.
Tulad ni Russian President Vladimir Putin, isang martial artist si Seagal.
Nabigyan ng Russian citizenship ang aktor noong 2016.
Naging maingay din ni Seagal sa pagtatanggol ng polisiya ng Russian leader kabilang ang 2014 annexation of Crimea ng Russia na tinuligsa naman ng US.
Noong nakaraang taon, naka-ban na si Seagal sa pagpasok sa bansang Ukraine sa susunod na limang taon dahil sa national security reasons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.