Girls’ Generation, magkakaroon ng comeback sa music industry

Photo credit: Girls’ Generation Facebook

Magkakaroon ng comeback sa music industry ang Korean all-girl group na Girls’ Generation sa pamamagitan ng isang bagong subgroup.

Ayon sa SM Entertainment, naghahanda ang bagong unit ng Girls’ Generation o kilala rin bilang GG ng bagong album para sa ikalawang bahagi ng taon.

Wala namang ibinigay na karagdagang detalye ang ahensya ukol sa naturang album.

Nagsimula ang natatanging subgroup ng GG ay ang TTS o TaeTiSeo na kinabibilangan nina Taeyeon, Tiffany at Seohyun noong 2012.

Matatandaang pumirma na sa isang ahensya ang tatlong miyembro ng grupo na sina Tiffany, Sooyoung at Seohyun.

Gayunman, sinabi ng SM Entertainment na wala pa ring planong i-disband ang grupo.

Read more...