Pres. Maduro, nakaligtas sa pag-atake sa Venezuela
Nakaligtas si Venezuelan President Nicolas Maduro sa hinihinalang pag-atake sa kanya matapos sumabog ang ilang drones na may dalawang bomba sa Caracas Venezuela, Linggo ng umaga.
Ayon kay Communication Minister Jorge Rodriguez, nagbibigay ng talumpati si Maduro sa isang military ceremony para sa unang anibersaryo ng Constitutional Assembly nang biglang nangyari ang mga pagsabog.
Nakuha sa live broadcast na sinabi mismo ni Rodriguez na ang pag-atake ay laban kay Maduro.
Nakita pa na halatang nabahala si Maduro sa kalagitnaan ng kaniyang talumpati makaraang makarinig ng pagsabog na agad namang inalerto ng National Guard.
Ayon kay Rodriguez, mayroong bomba na naka-detonate malapit sa presidential podium habang ang iba naman ay naka-detonate sa ibang bahagi ng pinagdausan ng parada.
Sa ngayon, sinabi ni Rodriguez na patuloy sa normal na trabaho ang pangulo.
Gayunman, nasugatan aniya ang pitong service personnel dahil sa nangyaring pagsabog at kasalukuyang binibigyan ng lunas sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.