Habagat, patuloy na magpapaulan sa S. Luzon at W. Visayas.

By Rhommel Balasbas August 05, 2018 - 05:46 AM

Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang hanging Habagat sa Southern Luzon at ilang bahagi ng Visayas ayon sa PAGASA.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, sinabi nitong maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa MIMAROPA at Westen Visayas.

Samantala, sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kasama na ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao ay inaasahan ang maalinsangang panahon liban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Isang low pressure area naman ang binabantayan ngayon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,335 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, hindi inaasahang magiging ganap na bagyo ang LPA at wala itong direktang epekto sa bansa sa kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.