Lindol, naitala sa Batangas

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng lalawigan ng Batangas alas-5:06 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 19 kilometro Kanluran ng bayan ng Calatagan.

May lalim itong 201 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...