Jeane Catherine Napoles bumalik na sa bansa

Nakabalik na sa Pilipinas ang anak ni Janet Lim Napoles na si Jeane Catherine.

Sinabi ni Atty. Ian Encarnacion na nakabalik na sa bansa kahapon, August 3 ang kanyang kliyente para harapin ang mga kasong kinakaharap kaugnay sa pork barrel scam.

Personal na sinundo ni Encarnacion si Jeane Catherine nang siya’y dumating sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-tres ng madaling-araw.

Sa record ng Department of Justice, noong July 27 umalis ng bansa ang nakababatang Napoles o limang araw bago inirekomenda ng U.S Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban sa pamilya Napoles.

May kaugnayan ito sa money laundering case na kinasasangkutan ng $20 Million na iligal na naipasok sa U.S.

Si Jeane Catherine ay nahaharap sa P17.5 Million tax evasion case sa BIR dahil sa pagbili ng ilang ari-arian sa U.S na naitala sa ilalim ng kanyang pangalan.

Bukod kay Jeane Catherine, nahaharap rin sa iba’t ibang mga kaso may kaugnayan sa pork barrel scam ang ilang miyembro ng pamilya Napoles.

Read more...