Para di maipit sa trapik, Drew Arellano tumakbo pauwi sa bahay
Sinigurado ni Drew Arellano na maabutan ang kanyang anak na si Primo bago ito matulog at kanya naman itong naabutan.
Ang host ng “Biyahe ni Drew” na isa ring triathlete ay ginawa ang imposibleng bagay at tinakbo ang kahabaan ng EDSA noong Huwebes ng gabi.
Kanyang ibinahagi an kanyang karanasan sa pamamagitan ng Instagram stories.
Ibinihagi ni Arellano na galing siya sa shooting sa Alabat, Quezon ng abutan ng rush hour traffic sa Edsa.
Naisip nitong takbuhin na lamang pauwi kaysa sa maipit sa matinding traffic.
Aniya lumabas ang kanyang pagiging atleta at lumabas ng van at tsaka tumakbo simula 6:46 ng gabi.
Sa loob lamang ng pitong minuto ay nakarating na siya sa Kalayaan Avenue at nagpost ng litrato ng mga kotseng naipit sa matinding traffic.
Habang tumatakbo siya ay nakakita rin siya ng tiangge.
Pagsapit ng 7:08 ay nakarating na siya sa Pioneer street sa Mandaluyong City at may natitira na lamang siya na dalawang kilometro bago makarating sa kanilnag bahay.
Upang hindi siya sumuko ay inisip na lamang niya na kailangan niyang maabutan ang kanyang anak at tsaka patuloy pa rin na tumakbo.
Pagsapit ng 7:20 ay nakarating na siya sa kanilang bahay at naabutan pang gising si Primo.
Tuwang tuwa si Primo nang makita ang kanyang “Papa Du” habang siya ay sumasayaw habang hawak niya ang isang stuffed toy na penguin habang nginingitian niya ang kanyang ama.
Ayon kay Arellano ay “Mission accomplished” nang makita niya ang kaniyang anak bago ito matulog.
Dagdag pa niya na sulit ang polusyon na nalanghap niya sa kahabaan ng EDSA at gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.