Ang nasabing ulat ay mula sa ilang independent experts na kinumisyon ng U.N na nagsusumite ng regular na ulat sa UN North Korea Sanctions Committee of the Security Council.
Sa pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) miniterial meeting sa Singapore, sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo na magpapatuloy ang kanilang pag-pressure sa NoKor para sumunod sa naunang kasunduan ukol sa dismantling ng kanilang nuclear program.
“I’ve also emphasized the importance of maintaining diplomatic and economic pressure on North Korea, to achieve the final, fully verified denuclearization of the DPRK as agreed to by chairman Kim,” dagdag pa ni Pompeo.
Sinabi pa ng US official na ang buong mundo ay nagbabantay sa galaw ng North Korea lalo’t na committed ang nasabing komunistang bansa sa pagsusulong ng kapayapaan sa Korean peninsula.
Noong nakaraang linggo ay inihayag ng US Treasury Department na kanilang nadiskubre ang transaksyon sa pagitan ng isang malaking Russian bank at North Korean Bank.
Posible umanong dumadaan sa nasabing financial transaction ang pondo na siyang ginagamit ng North Korea para ituloy ang pagpapalakas ng kanilang nuclear capabilities.