Mga batang sangkot sa droga patuloy sa pagdami ayon sa PDEA

By Jimmy Tamayo August 04, 2018 - 02:05 PM

Inquirer photo

Nababahala ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pagkakasangkot ng mga menor-de-edad sa illegal drug trade sa bansa.

Patuloy anyang minomonitor ng PDEA ang mga drug personalities na gumagamit ng mga menor-de-edad sa kanilang drug trafficking activities.

Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, mula 2011 hangang Hunyo 15, 2018, 2,111 na minors edad 6 hangang 17 ang naaresto at narescue dahil sa paglabag sa anti-drug law.

Umaabot sa 959 o 45.43 percent sa mga menor-de-edad na narescue ay mga pushers, nasa 725 o 34.34 percent ay drug possessors, samantalang 277 o 13.12 percent ay mga drug users, at ang natitirang 111 o 5.26 percent sa mga ito ay suki ng mga drug den.

Sinamantala rin anya ng mga sindikato ang Section 6 ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, na nagsasabing excempted ang mga menor-de -edad o bata mula sa kriminal na pananagutan.

Pero kahit mga minor offenders ay nanindigan ang PDEA napananagutin pa rin sa batas ang mga masasangkot sa iligal na droga kung mapatunayan ng korte na alam nila at naiintindihan ang kanilang ginawang krimen.

Ayon kay Aquino, laganap ang pag-gamit sa mga menor de-edad bilang mga runners at couriers sa bentahan ng iligal na droga.

Gayunman, ang ilang minos ay nagiging silent witnesses umano ng mga aktibidad kaugnay ng iligal na droga na nasasaksihan mismo nila.

Anya, ang pagkakalantad ng mga bata sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot ay isang uri ng child abuse.

Sa kabila ng matinding pagtutol ng iba’t ibang sektor, itinuloy ng PDEA ang mandatory drug testing para sa mga high school at college students sa mga pampubliko at pribadong paaralan para malaman ang bilang ng mga drug users na mga estudyante.

Mayroon ding Project: Sagip Batang Solvent ang ahensya na may layuning iligtas ang mga street children mula sa drug trade at drug abuse, kung saan panguhing target ang mga sumisinghot ng solvent.

Ayon kay Aquino, ang magiging kalagayan ng bansa ay nakasalalay sa kabataan kung kaya’t dapat silang iligtas at bigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang hinaharap.

TAGS: aaron aquino, dug test, Illegal Drugs, Minor, PDEA, aaron aquino, dug test, Illegal Drugs, Minor, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.