Conor McGregor muling sasabak sa UFC

(AP Photo/John Locher)

Magbabalik si Conor McGregor sa mixed-martial arts.

Inihayag ng UFC na sasabak si McGregor para sa isang title bout laban kay UFC lightweight champion Khabib Nurmagomedov sa October 6 sa Las Vegas.

Si McGregor ay hindi na lumaban sa MMA mula noong 2015.

Inalisan din ito ng UFC lightweight title nang labanan niya sa boxing si Floyd Mayweather noong 2017.

Naresolba na rin ang legal cases ni McGregor kasunod ng pag-atake sa isang bus sakay ang ilang mga UFC fighters.

Dahil sa insidente, inaresto si McGregor at nahatulan ng limang araw na community service.

Hindi naman naging madali ang negosasyon para magbalik sa octagon ring si McGregor na humihingi ng malaking pera kasama na ang kahilingan nito na “ownership stake” sa UFC.

Read more...