Binuweltahan ng liderato ng Cebu City PNP ang kanilang mga kritiko na patunayan ang mga akusasyon laban sa kanila.
Sinabi ni Cebu City PNP Spokesperson S/Insp. Ruyina Garma na maling ibintang sa kanila ang mga kaso ng patayan sa lungsod.
Kabilang dito ang pagkamatay nina Atty. Jona Ungab at ilan pang drug personality.
Hinamon rin ni Garma ang kanilang mga kritiko na magharap ng mga patunay kung sila ba ang talagang nasa likod ng mga patayan.
Kamakailan ay muli na namang nalagay sa kontrobersiya ang mga pulis sa Cebu City makaraang mapatay ang isa sa kanilang mga tauhan makaraan ang bigong ambush sa isang barangay official.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.