3 Pinoy na dinukot sa Libya buhay at ligtas ayon sa DOLE

By Den Macaranas August 04, 2018 - 10:15 AM

Video screengrab

Buhay at nasa maayos na kalagayan ang mga Pinoy na dinukot sa Libya ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III.

Sa panayam ay sinabi ni Bello na tuloy-tuloy ang pagbibigay sa kanya ng update ng kanyang Libyan counterpart kaugnay sa pagdukot sa mga Pinoy na sina Roderick Rivera, Romeo Manaba at Antonio Manaba.

Kasamang dinukot ng mga armadong kalalakihan an isang Korean national.

Nauna nang naireport na pinasok ng mga armadong kalalakihan ang isang water job site kung saan nagtatrabaho ang mga binihag na biktima.

Sa pamamagitan ng post sa social media ay nailabas ang pagmamakaawa ng tatlong Pinoy na sila ay iligtas ng pamahalaan.

Sa kanyang pahayag kahapon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan siyang magpada ng warship sa Libya kapag hindi pinakawalan ng mga captors ang kanilang mga bihag.

Hindi naman natuloy ang pagpunta sa Libya kahapon nina Bello at Presidential Spokesman Harry Roque dahil sa isyu ng seguridad.

TAGS: Bello, DFA, duterte, Kidnap, libya, Roque, Bello, DFA, duterte, Kidnap, libya, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.