Sa 4am weather advisory ng PAGASA, sinabi nitong makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.
Bahagyang maulap naman ang kalangitan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao na may posibilidad ng mga pulo-pulong pag-ulan.
Samantala, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 1,495 kilometro Silangan ng Northern Luzon.
Hindi pa rin inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES