Ginebra wagi kontra San Miguel sa game 4 ng PBA finals
Wagi ang Barangay Ginebra kontra San Miguel sa Game 4 ng best of 7 final series ng PBA Commissioner’s Cup sa iskor na 130-100.
Sa laban kagabi sa Smart Araneta Coliseum, tie na ang dalawang koponan sa iskor na 2-2.
Matapos ang halos pagtambak ng Beermen sa Gin Kings noong Game 3 ay bumawi ang Ginebra sa pangunguna ng 30 anyos ni Justin Brownlee.
Nagtala ang manlalaro ng 37 points, 11 rebounds, seven assists, two steals at three blocks.
Itinanghal si Brownlee bilang “Best Import” habang si June Mar Fajardo ang “Best Player of the Conference” sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.
Ang 30-anyos na American basketball player ay may kabuuang 1,209 points mula sa statistics at boto ng media, mga manlalaro at Commissioner’s office.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Brownlee na makuha ang Best Import Award.
Pumangalawa naman sa statistics at boto si Renaldo Balkman ng San Miguel Beermen
Gayunman, nakakuha lamang si Balkman ng 858 points, na bahagyang malayo sa puntos na nakamit ni Brownlee.
Samantala, ikalawang beses nang nasungkit ng San Mig big man na si Fajardo ang Best Player of the Conference award.
Nakakuha siya ng 1,153 points, mula sa pinagsamang statistics, at media, player at PBA commissioner’s office votes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.