Pang. Duterte, magpapadala ng warships sa Libya kapag nasaktan ang 3 bihag na Pinoy

By Isa Avendaño-Umali August 03, 2018 - 09:43 PM

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapadala ng warships sa Libya, sa oras na saktan ng mga pirata ang tatlong Pilipino na dinukot sa nasabing bansa.

Sa kanyang speech sa Bukidnon para sa inagurassyon ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center, babanggitin umano niya sa command conference sa August 7 ang ideya ng pagpapadala ng warships.

Ayon kay Duterte, hindi siya nagbibiro dahil handa umano siyang magpadala ng “frigate” o iba’t ibang uri ng warships kapag nasaktan ang mga biyag na Pinoy.

Nauna nang nagpadala ang South Korea ng barko nila sa Libya, upang masaklolohan ang isang kababayan nila na binihag din kasama ang tatlong Pilipino.

Nauna nang tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA sa mga kaanak ng tatlong nakidnap na Filipino engineers na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang masiguro ang kaligtasan at kalayaan ng mga ito.

 

TAGS: libya, Rodrigo Duterte, libya, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.