Deadline ng pagsusumite ng UPCAT forms para Metro Manila public schools, sa Aug. 6 na

By Isa Avendaño-Umali August 03, 2018 - 07:08 PM

Pinalawig ng pamunuan ng University of the Philippines o U.P. ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ng UP College Admission Test o UPCAT para sa school year 2019-2020.

Ito ay bunsod ng suspensyon ng klase dahil sa pag-ulan at pagbaha ngayong araw (August 3).

Sa advisory ng U.P., ang mga aplikanteng mula sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ay maaaring pang maghain ng kanilang UPCAT forms hanggang Lunes (August 6).

Ayon sa U.P., bukas pa rin ang Office of Admissions sa Diliman campus upang iproseso ang mga UPCAT forms na naisumite ngayong araw.

Sa August 10 naman ang deadline para sa mga aplikanteng mula sa Regional private and public high schools.

Itinakda ng U.P. sa September 15 at 16 ang UPCAT test.

Bagama’t masama ang panahon ngayong araw, marami pa ring mga estudyante ang nagkampo at pumila sa U.P. Diliman para maghain ng kanilang aplikasyon.

Pero muling paalala ng U.P., pwede namang magsumite ng UPCAT forms via online, courier o ihulog sa drop boxes.

 

TAGS: University of the Philippines, upcat, University of the Philippines, upcat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.