Tinatayang nasa 10.5 bilyong piso halaga ng mga smuggled at pekeng produkto ang nadiskubre ng Bureau of Customs o BOC Enforcement and Security Service mula sa sinalakay nilang compound, ngayong araw ng Biyernes.
Pinangunahan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang raid sa mga warehouse sa loob PTFC compound, Barangay Balingasa, Quezon City.
Ang raid ay isinagawa nmatapos na makatanggap ng tip at makaraan ang 3 linggong surveilance.
Hindi naman inabutan ng mga ahente ang may-ari ng mga bodega.
Kabilang sa mga nakumpiska ay libu-libong pekeng tax stamps, mga sigarilyo, mga damit na ukay-ukay at mga pekeng bags.
Mayroon ding sako-sakong mga bigas at mga sausage na nasa mga kahon ang nadiskubre sa mga warehouse.
Inamin ni Lapeña na posibleng may tauhan ng BOC na kasabwat ng may-ari ng mga smuggled na produkto, kaya agad silang nag-imbestiga at gumawa ng aksyon.