Bangkay natagpuan sa estero sa Maynila

By Jan Escosio August 03, 2018 - 01:01 PM

Isang bangkay ng ang natagpuan sa Estero sa Binondo Maynila.

Ang mga tauhan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang nakakita sa bangkay sa ilalim ng wetlands sa Estero de Binondo sa Dasmarinas St.

Naglilinis ang mga tauhan ng PRRC sa estero nang makita ang hindi pa nakikilala ang bangkay na nakasuot ng pantalon at naka t-shirt.

Nakitaan din ng bahid ng dugo ang likurang bahagi ng katawan nito.

 

TAGS: estero de binondo, manila, Radyo Inquirer, estero de binondo, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.