16 na babae na ginagamit bilang sex workers nailigtas sa Laguna
Nailigtas ng mga otoridad ang labinganim na babae at arestado namang ang pitong katao sa ikinasang operasyon laban sa illegal sex trade sa Calamba City sa Laguna.
Ang entrapment operation ay ikinasa ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (WCPC), madaling araw ng Biyernes sa isang hotel na Getz Inn sa Barangay Lecheria.
Ayon kay Calamba police chief Supt. Joselito Desisto, galing sa iba’t ibang mga lalawigan ang mga babae na may iba ibang edad at ginagamit bilang sex workers.
Pinananatili umano sa hotel ang mga babae at doon sila binibigyan ng kliyente.
Pitong katao naman ang dinakip ng mga pulis na pawang nasa likod ng sindikato.
Nakakulong ngayon sa PNP headquarters sa Camp Crame ang mga nadakip habang ang mga biktima ay nasa pangangalaga ng WCPC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.