Forced evacuation ipinatupad sa isang barangay sa Santa Maria, Bulacan dahil sa pagbaha
Nakaranas ng pagbaha sa ilang barangay sa Santa Maria, Bulacan bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan Biyernes ng umaga.
Ayon sa Santa Maria Rescue, bumaba sa ilog ang tubig ulan na bumuhos sa kabundukan ng San Jose Del Monte City at Rodriguez, Rizal.
Dahil dito, nagpatupad ng forced evacuation sa bahagi ng Barangay Bagbaguin dahil nalubog na sa baha ang mga bahay doon.
Alas 6:20 naman ng umaga, sinabi ng Santa Maria Rescue na hindi passable sa lahat ng uri ng mga sasakyan ang Macaiban Bridge dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.
Isang residente din sa lugar ang nag-post ng video kung saan makikita ang mga bahay na malapit sa ilog na bubungan na lamang ang kita.
Makikita rin sa video ang patay na baka na inanod ng tubig baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.