US swimmer Michael Phelps binati ang 10y/o Fil-Am na bumura sa kaniyang record
Binati ng US swimmer na si Michael Phelps ang 10-taong gulang na Fil-Am na nakabura sa kaniyang 23 taon nang record sa 100 meters butterfly.
Idinaan ni Phelps sa tweet ang pagbati kay Clark Kent Apuada.
Binilinan din nito si Apuada na ipagpatuloy pa ang kaniyang pangarap.
Si Apuada ay nagwagi sa 2018 long course meters sa Far Western International Age Group Championship.
Sa 100-meter butterfly event, nakapagtala si Apuada ng 1:09.38 na mas mabilis sa naitala ni Phelps noong 1995 sa kaparehong event na may oras na 1:09:48.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.