11 sasakyan nagkarambola sa SLEX; hindi bababa sa 10 ang sugatan
Labingisang sasakyan ang nagkarambola sa South Luzon Expressway northbound.
Dahil sa nasabing aksidente na naganap pasado alas 7:00 ng umaga, naperwisyo ng husto ang mga motorista na paluwas ng Maynila.
Ayon kay Anthony Brabosa, operator sa command center ng SLEX Toll Operator na MATES, nangyari ang aksidente bago sumapit sa bahagi ng Susana Heights at umabot sa San Pedro, Laguna ang tail end ng traffic.
Ayon naman sa mga netizen na nakasaksi ng aksidente, inararo ng oil tanker ang mga sasakyan na kaniyang sinunsundan.
Sa post naman ni Philippine Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, sinabi nitong umabot sa sampung katao ang inasistihan ng kanilang Muntinlupa Chapter bunsod ng nasabing aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.