Kinilala ang biktimang sina Ropil Norvaso at Ricky Andujar na kapwa residente ng Barangay Binaliw, Cebu City.
Tatlong lalaking sakay ng motorsiklo ang suspek sa pamamaril.
Sa ginawang imbestigasyon, natagpuan sa wallet ni Norvaso ang court release order para sa kaniyang kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Nangangahulugang kalalabas lamang nito ng bilangguan.
Si Andujar na noon ay kasama ni Norvaso ay nagawa pang makatakbo palabas ng CICC pero hinabol pa ng mga salarin at nabaril siya sa bahagi ng Guizo Barangay Hall.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES