Mga naitalang bagong kaso ng HIV, bumaba noong Hunyo

By Jan Escosio August 03, 2018 - 08:56 AM

Nakapagtala ang Department of Health ng 993 bagong kawo ng HIV case noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Sa datos ng Epidemiology Bureau ang bilang ay mas mababa naman kumpara sa naitalang 1,016 kaso noong June 2017.

Kasabay nito, 77 pagkamatay na iniuugnay sa HIV ang naitala noong Hunyo.

Base sa datos, 934 o 94 porsiyento ng naitalang mga bagong kaso ay lalaki.

Apat sa nag positibo sa HIV ay buntis, tatlo sa Metro Manila at isa sa Central Visayas Region.

Ang pakikipagtalik pa rin ang nangungunang dahilan ng pagkakahawa ng sakit sa 98 porsiyento.

May pitong bago ang bunga ng paggamit ng injection needle ng mga drug users at dalawang kaso ng pagkakahawa ng sanggol sa kanyang ina.

Simula noong 1984, umabot na sa 56,275 ang nakumpirmang kaso ng HIV sa bansa.

Muling iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III ang kahalagahan ng maagang pagkakadiskubre ng HIV infection.

 

TAGS: doh, Health, HIV, doh, Health, HIV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.