Lamok ginamit pangsugpo sa Dengue sa isang lungsod sa Australia

Sa isang lugar sa Australia, apat na taon nang walang naitatalang kaso ng dengue.

Ito ay mula nang ilunsad sa Townsville, Australia ang anti-dengue mosquitoes noong 2014 bilang panlaban sa mga kapwa nila lamok na dengue carrier.

Gumamit ng modified mosquitoes ang buong lungsod para masugpo ang mosquito-borne virus.

Base sa ulat, si Scott O’ Neill ng Monash University ang nasa likod ng modified mosquitoes.

Ang mga lamok na Aedes Aegypti ay tinurukan nito ng Wolbachia bacteria na dahilan para mabigo na itong makapagpadami.

Read more...