Mga motorista nakaranas ng standstill na traffic sa EDSA-NB dahil sa pagbaha

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 03, 2018 - 07:52 AM

File Photo

Maraming lansangan sa Metro Manila ang binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan na naranasan Biyernes ng umaga.

Sa abiso ng MMDA, sa kahabaan ng EDSA marami ang naitalang pagbaha.

Nagresulta pa ito ng standstill na traffic sa EDSA northbound dahil ang tubig baha sa EDSA-Camp Aguinaldo Gate 3 ay umabot sa tuhod ang tubig baha kaya wala nang makadaang sasakyan.

Dahil sa nasabing pagbaha, bago mag alas 8:00 ng umaga ay umabot na sa EDSA-Magallanes ang tail end ng traffic sa EDSA Northbound.

Maliban sa nasabing lugar, alas 6:17 pa lamang ng umaga nakapagtala na ng gutter deep n a pagbaha ang MMDA sa EDSA Ortigas Southbound at Northbound.

Alas 6:25 naman ng umaga nang makapagtala ng gutter deep din na pagbaha sa EDSA Main Avenue at sa EDSA Aurora tunnel.

Habang alas 6:37 ng umaga, binaha din ang EDSA Santolan service road Northbound.

Sa EDSA Mother Ignacia, nakapagtala din ng gutter deep na pagbaha.

Habang umabot din sa tuhod ang lalim ng baha sa Araneta Victory Northbound at Southbound.

TAGS: edsa, flooded areas, Metro Manila, edsa, flooded areas, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.