DFA kumikilos na para ligtas na mapalaya ang 3 dinukot na Pinoy sa Libya

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatlo sa apat na nasa video na umaapela ng tulong ay ang dinukot na tatlong Filipino technicians sa Libya.

Ayon kay DFA spokesman Elmer Cato napanood na nila ang video at aniya ang tatlo ay ang mga Filipino na dinukot ng mga armadong lalaki noong nakaraang buwan.

Kasabay nito tiniyak ni Cato na ginagawa ng gobyerno ang lahat para tiyakin ang ligtas na pagpapalaya sa tatlong Filipino.

Sa lumabas na video makikita ang mga biktima, isa ay South Korean national, na umaapila ng tulong sa kanilang mga gobyerno.

Ang apat ay pawang nagtatrabaho sa isang water supply project ng sila ay dukutin.

Patuloy na kumakalat sa social media ang video.

Sinabi ni Chargé D’ Affaires Mardomel Melicor pinasok ng mga kidnaper ang construction site at dinukot ang limang banyaga at apat na Libyans.

Pinalaya ang isa sa mga banyaga at ang mga Libyans at nananatili ang tatlong Filipino at isang South Korean.

Read more...