Bahagi ng Katipunan Ave. isasara dahil sa road restoration project ng Manila Water

Uumpisahan na ngayong araw ng Manila Water ang road restoration activities nito sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, isasagawa ang concrete reblocking simula mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga sa August 6.

Partikular na maaapektuhan at magiging unpassable sa mga motorista ang bahagi ng rightmost lane ng Katipunan Avenue kung galing sa Commonwealth Avenue.

Ayon pa sa Manila Water, ang August 3 hanggang August 6 road restoration ay may kasunod pa sa mga susunod na weekend

Kabilang sa schedule ng road restoration ang mula August 10 hanggang 13, August 17 hanggang 20, August 24 hanggang 27 at August 31 hanggang Sept. 3.

Read more...