Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nakataas ang thunderstorm advisory ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa inilabas na abiso alas 5:45 ng umaga, sinabi ng PAGASA na malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila na maaring tumagal ng dalawang oras.

Tatlong oras naman na inaasahang tatagal ang malakas na ulan na nararanasan sa Rizal, Zambales, Bataan, Cavite, at Bulacan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha na maaring idulot ng pag-ulan sa mga nabanggit na lugar

 

Read more...