Southern Luzon at malaking bahagi ng Vis-Min, apektado pa rin ng Habagat

By Rhommel Balasbas August 03, 2018 - 06:21 AM

Magpapaulan pa rin sa Southern Luzon at malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang hanging Habagat.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, sinabi nitong magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Mindoro Provinces, Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM dahil sa Habagat.

Pinapayuhan ang mga residente sa naturang mga lugar ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging maalinsangan ang panahon na maaaring ulanin sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Samantala, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng weather bureau sa labas ng bansa ay huling namataan sa layong 1,780 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Hindi pa rin inaasahang papasok ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ay walang papasok na bagyo sa Pilipinas ayon sa PAGASA.

TAGS: habagat, Pagasa, weather, habagat, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.