Singil sa kuryente posibleng tumaas ngayong buwan
Nakaamba ang posibleng pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco.
Nagpahayag ang Meralco ng nakatakdang kaunting paggalaw sa bayad sa kuryente ngayon Agosto.
Binanggit na dahilan ang adjustment sa presyo ng natural gas na panggatong ng malalaking planta ng kuryente sa Luzon.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, sa inisyal na datos ay tinatayang hindi naman aabot sa double digit ang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.
Kapag naipatupad, ito ang ikalawang sunod na buwan na may dagdag bayad sa Meralco.
Noong Mayo ay bumaba ng P0.54/kwh ang singil sa kuryente habang nabawasan naman ng P0.12/kwh noong Hunyo.
Pero noong nakaraang buwan ay mayroong P0.31/kwh na pagtaas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.