Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan City

By Justinne Punsalang August 03, 2018 - 04:46 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Bagong Silang, Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Michael Magno, 35 taong gulang na isang dating security guard.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis napag-alamang nasangkot sa kalakaran ng iligal na droga si Magno, bukod pa sa pagiging suspek sa pamamaslang noong nakaraang taon. Nakulong na rin ito dahil sa illegal possession of firearms.

Ayon pa sa pulisya, kabilang ang biktima sa barangay drug watchlist.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang, partikular ang motibo nito.

Inaalam ng mga pulis kung may kaugnayan ba ang dating mga kinasangkutang kaso ni Magno sa pamamaslang sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.