Maynilad at Manila Water, magtataas ng singil sa tubig

Nakatakdang tumaas ang singil sa tubig ng dalawang water concessionaires ng Metro Manila sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester N. Ty., plano ng Maynilad na magtaas ng singil na aabot sa P9.69 per cubic meter at nasa P8.30 per cubic meter naman ang nakaambang dagdag-singil ng Manila Water.

Patapos na anya ang pag-aaral ng MWSS sa hirit ng dalawang kumpanyang ito at nakatakda na lamang magpatawag ng public consultation ngayong buwan o hindi kaya ay sa unang bahagi ng Setyembre.

Tiniyak naman ni Ty na babawasan nila ng hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water.

Ang dagdag-singil ay bunsod ng plano ng dalawang water concessionaires na gumasta ng P183.531 bilyon simula ngayong taon hanggang 2022.

Ito ay para sa mga proyekto na layong maabot ang mga itinakdang requirements para sa kanilang concession agreement, pagpapatuloy ng kanilang serbisyo at water security.

Read more...