Malacañang hands-off sa pagpapa-disbar kay Carandang

Inquirer file photo

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Supreme Court kung ididisbar o hindi ang sinibak na si Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Pahayag ito ng palasyo matapos sibakin sa serbisyo si Carandang dahil sa graft and corruption at betrayal of public trust bunsod sa pagsasapubliko sa bank transaction records ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya para sa imbestigasyon sa umano’y bilyong pisong ill-gotten wealth.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang kapangyarihan ang Office of the President na magtanggal ng lisensya ng isang abogado.

Naniniwala ang palasyo na walang balakid ang dismissal order kay Carandang dahil dumaan sa tamang proseso ang pagsibak sa kanya.

Kahapon ay inilabas ng Malacañang ang kautusan na nag-aalis kay Carandang sa pwesto.

Magugunitang noong nakalipas na buwan ng Enero ay iniutos ng Malacañang ang pagsuspinde kay Carandang pero ito ay hinarang ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Nanindigan si Morales na walang karapatan ang Malacañang na suspindehin si Carandang dahil siya ang nag-appoint sa opisyal.

Read more...