2 bata patay sa ligaw na bala sa Binondo
Patay ang dalawang bata habang nasugatan naman ang isang lalaki sa tama ng bala mula sa shotgun na aksidenteng naiputok sa Binondo, Maynila.
Ayon kay PO3 Bernardo Cayabyab, imbestigador mula sa Manila Police District, aawat lamang sana ang suspek na si Estilo Cinco sa pag-aaway ng kaniyang kapatid na si Maritess Ingente at asawa nitong si Iggi Ignente.
Ngunit aniya, napikon si Cinco kaya’t inilabas nito ang kaniyang shotgun upang komprontahin ang kaniyang bayaw.
Sa galit, naipalo ni CInco ang kanyang baril sa bayaw ngunit aksidente itong pumutok.
Dito na tinamaan ang dalawang 10 taong gulang na mga batang sina Jemar Lacsim at Gerald San Jose na naglalaro lamang sa lugar.
Isa sa kanila ay tinamaan sa dibdib, habang ang isa naman ay tinamaan sa kaliwang mata na parehong dinala sa ospital ngunit idineklara ding dead on arrival.
Nasugatan rin sa insidente si Luis Almojuela nagtamo naman ng mga tama sa dibdib.
Tumakas si Cinco dala ang kaniyang 12-gauge shotgun habang nasa kustodiya naman na ng mga pulis si Iggi upang isailalim sa questioning.
Inaalam pa ng mga pulis ang kinaroroonan ni Cinco at kung paano ito nagkaroon ng shotgun na hinihinala rin nilang hindi lisensyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.