Mga senador pinag-iingat sa pagkagat sa pagtutulak ng charter change

By Jan Ecosio August 02, 2018 - 03:26 PM

Inquirer file photo

Ayaw pabitag ng mga senador sa magiging galawan sa Kamara sa usapin ng pagbabago sa Saligang Batas.

Sinabi ni Sen. Ping Lacson na sa ngayon ay solido ang mga senador at iisa ang kanilang posisyon na huwag na munang mag-focus sa charter change o cha cha.

Aniya ito ay sa kabila na rin ng pahayag ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na dapat talaga ay hiwalay ang botohan sa mga kongresista at senador sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o Con-Ass.

Sinabi ni Lacson na nakikita nila na maaring patibong lang ang mangyari kapag kinagat nila ang pahayag ni Arroyo at kalaunan ay hindi na sila makalalabas sa isyu.

Inamin rin ng mambabatas na may isyu rin naman sa tiwala sa kanilang mga senador base sa paliwanag ng mga abogado sa mga posibleng mangyari kapag nagkaroon na ng joint session ang dalawang sangay ng Kongreso para mabago ang Saligang Batas.

TAGS: Arroyo, charter change, conass, lacson, Arroyo, charter change, conass, lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.