Suarez nanindigan na siya pa rin ang minority leader sa Kamara

Kinontra ni Quezon Rep. Danilo Suarez ang pagkilala ng ilang kongresista kay ABS Party-list Rep. Eugene De Vera bilang acting minority leader.

Ayon kay Suarez siya at kanyang grupo pa rin ang bumubuo sa minority bloc sa Kamara.

Nauna rito, sinabi ni dating House Majority Leader Rodolfo Farinas na si De Vera ang dapat tumayo bilang acting minority leader batay sa rules of succession sa panuntunan ng Kamara.

Kinontra ito ni Suarez at iginiit na batay sa desisyon ng minorya, siya pa rin ang minority leader.

Sa ngayon, inalis ni Suarez sa kanilang grupo si De Vera, na dati rin nilang kasama.

Aminado naman din si Suarez na nasaktan siya sa pagtalikod sa kanila ni De Vera na hindi raw ikinonsulta sa kanila.

Read more...