Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, sa nasabing programa, hinihinakayat nila ang publiko na ibahagi ang mga inspiring na kwento kahit pa ang mga dati nang nangyari noong kaaya-aya at malinis pa ang ilog.
Ang mga kwento ay maaring ipadala sa PRRC at ang mapipili ay ipapaskil sa website na theriverman.org.
Mahalaga ayon kay Goitia na malaman ng publiko ang mga unique at inspiring na kwento sa Pasig River.
Tuluy-tuloy ang clean-up operations ng PRRC sa Ilog Pasig at sa mga waterways na kadugtong nito.
Katunayan sa kabuuan, umabot na sa 21 million kilos ng solid waste ang nahakot nila mula sa ilog.
Umabot na rin sa 17 mula sa 47 target na estero ang nai-convert na ng PRRC bilang mga environmental preservation area.