Publiko hinikayat magbahagi ng kwento at kanilang karanasan sa Pasig River

By Ricky Brozas August 02, 2018 - 01:04 PM

Inilunsad ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang “Real Stories” na tatalakay sa kwento ng publiko sa kanilang karanasan hinggi sa Pasig River.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, sa nasabing programa, hinihinakayat nila ang publiko na ibahagi ang mga inspiring na kwento kahit pa ang mga dati nang nangyari noong kaaya-aya at malinis pa ang ilog.

Ang mga kwento ay maaring ipadala sa PRRC at ang mapipili ay ipapaskil sa website na theriverman.org.

Mahalaga ayon kay Goitia na malaman ng publiko ang mga unique at inspiring na kwento sa Pasig River.

Tuluy-tuloy ang clean-up operations ng PRRC sa Ilog Pasig at sa mga waterways na kadugtong nito.

Katunayan sa kabuuan, umabot na sa 21 million kilos ng solid waste ang nahakot nila mula sa ilog.

Umabot na rin sa 17 mula sa 47 target na estero ang nai-convert na ng PRRC bilang mga environmental preservation area.

TAGS: pasig river, Radyo Inquirer, pasig river, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.