Consular office ng DFA sa Lucena sarado ngayong araw dahil sa problema sa kuryente

DFA Advisory

Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang consular services nito ngayong araw, August 2, sa DFA Lucena.

Ayon sa DFA, nakararanas ng electrical problem sa DFA Lucena na nagresulta ng kawalan ng kuryente doon.

Dahil dito, para sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan at ng publiko, nagpasya ang DFA na huwag na lamang muna ituloy ang operasyon sa nasabing consular office ngayong araw.

Ayon sa DFA, bukas, August 3 ay muling babalik sa normal ang operasyon.

Ang mga may appointment ngayong araw at apektado ng pagsasara ay ia-accommodate mula bukas hanggang sa August 10, 2018.

Pinapayuhan lamang ang mga aplikante na dalhin ang prinout na kopya ng kanilang kumpirmadong passport appointments na nagpapakita na sila ay naka-schedule ng August 2 kasama ang lahat ng mga requirement.

Read more...